^

Probinsiya

Dragnet sa killer ng Laguna police chief

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nagsasagawa ng malawakang pagtugis at iniumang na ang dragnet operation laban sa mga pumatay sa Cabuyao, Laguna chief of police noong Biyernes ng umaga makaraang kilalanin ng ilang testigo sa naganap na ambus.

Dalawa sa apat na responsable sa pagpatay kay Cabuyao chief P/Supt. Eriberto Paglinawan ay inilarawan ng ilang testigo na nakatayo malapit sa kinaroroonan ng mga killer sa Barangay Lumil, Silang Cavite.

Ayon pa sa isang testigo na narinig nito ang isa sa mga killer na nagsabing "ang tagal naman dumating, naiinip na ko" na ang tinutukoy ay si Paglinawan ng Barangay Munting-Ilog malapit sa pinangyarihan ng ambus.

Napag-alaman na kagagaling lamang sa bahay ng kanyang kapatid na lalaki sa Silang, Cavite si Paglinawan at habang sakay ng Toyota Corolla (SDS-725) nang tambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa nabanggit na barangay.

Inilarawan ng mga testigo ang dalawang killer na nasa edad 25-30, may taas na 5’7" hanggang 5’8", mahaba ang buhok, medyo may kaliitan ang pangangatawan at ang ikalawang killer ay may edad na 21-25, may taas na 5’4"-5’5", maikli ang buhok at may puntong Luzon-Tagalog na may nakasukbit na baril sa beywang. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY LUMIL

BARANGAY MUNTING-ILOG

CABUYAO

ERIBERTO PAGLINAWAN

PAGLINAWAN

SILANG CAVITE

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with