^

Probinsiya

3 Pentagon kidnaper todas sa encounter

-
CAMP SIONGCO, Maguindanao — Tatlong kasapi ng Pentagon kidnap-for-ransom gang na pinaniniwalaang mga tauhan ni Tahir Alonto ang iniulat na nasawi matapos na makipagbarilan sa tropa ng militar sa magkahiwalay na lugar sa Central Mindanao kahapon.

Kinilala ang mga kidnaper na napatay sa pakikipagbarilan na sina Burgo at Bashier Guiamadel at isang nagngangalang Sabatin na pawang tauhan ni Alonto, lider ng notoryos Pentagon kidnap-for-ransom gang at may patong sa ulo na P5-milyon.

Narekober ng 6th Infantry Divison ng Philippine Army’s Task Force Tugis sa napatay na 3 Pentagon gang, ang 20 kilong pulburang ginagamit sa paggawa ng bomba at 3 mortars.

Unang naganap ang bakbakan sa kagubatang sakop ng Barangay Libpas, North Cotabato.

Nakubkob naman ng tropa ng 37th Infantry Battalion ang kuta ng mga kidnaper sa Brgy. Marader, Talayan, Maguindanao.

Kabilang sa nakumpiska ng militar mula sa anim na bahay na inabandona ng mga tauhan ni Alonto ang dalawang radyo, 2 VHS aerial radio antenna at cellular phone signal extender antenna.

Napag-alaman kay North Cotabato Governor Emmanuel Piñol na namataan ng mga tauhan ni Mlang Mayor Luigi Cuerpo ang mga kidnaper sakay ng motorsiklo patungong Barangay Dungguan.

Kaagad na naglagay ng checkpoint ang tropa ng militar sa daraanan ng mga kidnaper upang malambat subalit natunugan kaya humantong sa barilan.

Nakuha sa bulsa ng mga kidnaper ang tatlong granada, submachine gun at listahan ng mga negosyante sa North Cotabato na pinalalagay na puntiryang dukutin. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

ALONTO

BARANGAY DUNGGUAN

BARANGAY LIBPAS

BASHIER GUIAMADEL

CENTRAL MINDANAO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISON

JOHN UNSON

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with