Bagets na bomb expert tiklo
January 15, 2003 | 12:00am
CAMP SIONGCO, Maguindanao Nalambat ng tropa ng militar ang isang 18-anyos na bomb expert ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang makasagupa ng mga kawal ang grupo ng rebelde sa hangganan ng Columbio, Sultan Kudarat at Tulunan, North Cotabato.
Si Samih Gandalibo na kasapi ng MILFs 106th Brigade ay nasukol at boluntaryong sumuko makaraang matunugang iniwan siya ng kanyang mga kasamang rebelde sa naganap na isang oras na bakbakan.
Sinabi ni Army Major Julieto Ando, spokesman ng Armys 6th Infantry Division na kinumpirma ni Gandalibo na aabot na sa 29 rebelde ang napapatay simula nang magsagupa ang magkalabang panig sa Barangay Polomolok, Columbio.
Ayon pa kay Ando na matagumpay namang naitaboy ang mga rebeldeng MILF sa inakupahang Sitio Marang, Blat, Lumuyan at Tabong sa bayang Columbio at Sitio Klingklong at Kanibong sa Tulunan.
Narekober ng militar mula sa inakupang sitio ng mga rebelde ay ang nagkalat na hindi nabatid na bilang ng B-40 anti tank rockets, 50 bala ng 40mm shoulder-fired grenade projectiles, medical supplies at sketches ng ibat ibang establisimyento na pag-aari ng mga negosyante sa Central Mindanao.
Nabatid pa kay Ando na binigyan nila si Gandalibo ng saplot, pagkain at bitamina makaraang madiskubreng may low blood pressure na pinaniniwalaang may sakit na anemia. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest