5 durugistang kawani ng munisipyo sisibakin

MAUBAN, Quezon – Nalalagay ngayon sa balag ng alanganing masibak sa puwesto ang limang kawani ng munisipyo ng Mauban makaraang maging positibo sa isinailalim na drug test.

Pansamantalang hindi ibinunyag ni Mayor Fernando Llamas ang mga pangalan ng limang kawani dahil sa patuloy pang nagsasagawa ng drug test sa iba pang kawani sa Mauban District Hospital.

Inirekomenda namang ipasok sa rehabilitation center ang limang kawani at pansamantalang binawi ang kanilang appointment.

Sinabi pa ni Mayor Llamas na kailangang sumailalim sa drug test ang mga kawani bago ilabas ang kanilang appointment lalo na sa mga permanenteng posisyon at binigyan ng palugit na hanggang Enero 30, 2003 at sinumang hindi tumugon sa kautusan ay papatawan ng kaukulang parusa. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments