Estudyante pinatay ng 2 tinedyer
January 7, 2003 | 12:00am
CANLUBANG, Laguna Maagang kinalawit ni Kamatayan ang isang estudyante makaraang tumangging ibigay ng biktima ang kanyang motorsiklo sa dalawang hindi kilalang tinedyer kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay kamakalawa ng gabi sa Kapayapaan Village ng bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jon Jon Atienza, 18, ng Calamba City, Laguna at estudyante ng Don Bosco School, samantala, ang dalawang hindi kilalang tinedyer na pinaniniwalaang kasapi ng agaw-motorsiklo ay tinutugis sa hindi binanggit na barangay.
Si Atienza na pangatlong biktima ng mga kasapi ng agaw-motorsiklo gang ay pamangkin ni Barangay Chairman Santy Atienza na dating pangulo ng Rotary Club sa Calamba, Laguna.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nagmomotorsiklo ang biktima dakong alas-7:30 ng gabi nang banggain ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo.
Napag-alaman sa nakalap na impormasyon ng pulisya na tinangkang agawin ng dalawa ang bagong motorsiklo ng biktima subalit nanlaban ito kaya pinagbabaril.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya na ang grupo ng agaw-motorsiklo ay responsable rin sa pagkakapatay sa isang traysikel driver noong nakalipas na taon at pananambang sa isang bading sa sariling bahay nito. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest