Obrero tinodas sa sabungan

KAWIT, Cavite – Isang -26-anyos na sabungero ang iniulat na pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kapwa sabungero sa loob ng sabungan sa Barangay Toclong sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Kalayaan Hospital si Artemio Laos, obrero, may-asawa ng Block 7 Lot 12 PhilHome Ville Subdivision ng naturang lugar.

Kaagad naman nadakip ang suspek na si Roel Tirala, 23, may-asawa, obrero ng nabanggit ding barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Alfredo Loyola, naitala ang krimen dakong alas-6 ng gabi makaraang mapikon ang sabungerong suspek dahil sa natatalo ang kanyang manok laban sa manok naman ng biktima.

Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa maganap ang pangyayari. (Ulat ni Cristina Go Timbang)

Show comments