P1-M ari-arian tinupok ng apoy
January 2, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Tinatayang aabot sa P1-milyong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang tindahan ng paputok dahil sa sumabog na kuwitis kamakalawa ang hapon sa Jaro, Iloilo City.
Base sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, naitala ang sunog dakong ala-1:45 ng hapon sa tindahan ng paputok sa Rizal Street sa naturang lugar.
Napag-alaman pa sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya na isang hindi kilalang lalaki ang nagsindi ng kuwitis sa waiting shed at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay tumama na nagresulta upang sumiklab ang mga panindang paputok.
Mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang tindahan at nasunog din ang multi cab (SFB-573) na pag-aari ng Barangay Bito-on, Jaro ng naturang lugar.
Maliban sa nasunog na ari-arian ay nasugatan din ang isang sibilyang si Anne Fair Braga, 28 na ngayon ay ginagamot sa Western Visayas State University Hospital.
Nabatid pa sa ulat na naapula ang sunog bandang alas-dos ng hapon at walang iniulat na nasawi. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest