^

Probinsiya

Barangay chairman pumatay sa kasalan

-
VIRAC, Catanduanes — Nabahiran ng dugo ang naganap na kasalan makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang 45-anyos ng barangay chairman dahil sa mainitang pagtatalo sa kalagitnaan ng kainan at inuman ng alak sa Barangay Calatagan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay sa Catanduanes Provincial Hospital ang biktimang si Pedro Cambonga, may asawa, samantala, ang suspek na mabilis tumakas ay nakilalang si Nestor Juson, 47, may asawa at barangay chairman ng naturang lugar.

Naitala ang krimen bandang alas-7:15 ng gabi habang magkasabay na kumakain at umiinom ng alak ang dalawa.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na naimbitahan ang suspek sa kasalan bilang punong-barangay sa kanilang lugar.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa magkasigawan dahil na rin sa kapwa lango na sa alak.

Dito na umalingawgaw ang malalakas na putok hanggang sa mapawi ang usok ay bumulagta ang biktima na nagresulta upang magpanakbuhan papalayo ang mga bisita sa kasalan. (Ulat ni Ed Casulla)

BARANGAY CALATAGAN

BINAWIAN

CATANDUANES

CATANDUANES PROVINCIAL HOSPITAL

DITO

ED CASULLA

NABAHIRAN

NAITALA

NESTOR JUSON

PEDRO CAMBONGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with