Mayor kinasuhan ng opsiyal ng DSWD
December 30, 2002 | 12:00am
GAO, Camarines Sur Nahaharap ngayon sa balag ng alanganin si Gao Municipal Mayor Marcel Pan makaraang sampahan ng kaso ng isang social welfare officer sa opisina ng Ombudsman, tanggapan ng gobernador at Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Sur dahil sa paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft ang Corruption Law).
Sa isinampang kaso ni Eufremia Abragan, social welfare officer 3, si Mayor Pan ay nahaharap sa kasong abuse of authority at grave misconduct.
Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso ni Abragan laban kay Mayor Pan dahil sa inalis siya sa dating puwesto bilang social welfare officer ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at inilipat sa malayo at bulubunduking lugar sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Sinunod naman ni Abragan ang kautusan ni Mayor Pan subalit sinampahan siya ng kaso na nagresulta upang malaglag sa sinapupunan ang dinadalang sanggol.
Napag-alaman pa ni Abragan na ipinalit sa kanyang puwesto si Jocelyn Peralta, isang empleyada at kanyang tauhan sa naturang ahensya.
Sa kasalukuyan ay suspendido si Abragan simula noong Oktubre 24, 2002 at walang benipisyong nakuha partikular na ang kanyang suweldo. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest