Coed dedo sa car crash, 4 kritikal
December 27, 2002 | 12:00am
GEN. TRIAS, Cavite Agad namatay ang isang estudyanteng babae habang ang apat nitong kasamahan ay nasa kritikal na kondisyon matapos ang kanilang kotseng sinasakyan ay bumangga sa puno ng narra sa kahabaan ng Brgy. Buenavista kahapon ng madaling araw.
Ang nasawi ay nakilalang si Ivy Rose Porciocula, dalaga, residente ng Brgy. Pasong Kawayan habang ang apat nitong kasama na sina Anne Christine Alvarez, Catherine Borfe, Erwin Magat at Richard Herpacio pawang mga college student ng PCU ay kritikal sa pagamutan.
Sa report ni SPO1 Victorino Patam, dakong ala-1 ng madaling araw ay papauwi na ang mga biktima mula sa dinaluhang pagtitipon sakay ng Toyota Corolla (ESB-800)na minamaneho ni Alvarez at binabagtas ang nasabing lugar nang mawalan umano ng kontrol sa manibela si Alvarez.
Dahil sa mabilis umano ang takbo ng sasakyan ay hindi na nagawa pang i-preno ni Alvarez na naging dahilan sa malakas na pagkasalpok nito sa puno ng narra na agad na ikinasawi ni Porciocula. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest