Bombahan resbak ng Pentagon
December 26, 2002 | 12:00am
COTABATO CITY Malaki ang posibilidad na ang third party umano na tinutukoy ng mga maimpluwensiyang political clan at rebeldeng grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) na pawang pangunahing biktima ng serye ng pambobomba sa Cotabato ay walang iba kundi ang Pentagon.
Ang konklusyon ay nabuo dahil sa pambobomba noong Martes ng teroristang grupo na direktang pinatatakbo ngayon ni Tahir Alonto na isang katutubong Maguindanao.
Isang mag-anak na kabilang sa siyam katao ang nasa malubhang kalagayan makaraaang maganap ang ikalawang pagsabog nang ang isang anti-tank B-40 rocket na nagmula sa hindi kalayuang lugar ay bumagsak sa isang kabahayan sa Pikit, North Cotabato noong Martes ng gabi.
Bandang hapon naman ng nabanggit ding araw nang isang home-made bomb na prototype ng isang live 81mm at 60mm mortar ay sumabog sa mismong residente ni Datu Piang Mayor Saudi Ampatuan na ikinasawi ng 14 kabilang na ang alkalde at ilang opisyal at miyembro ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front.
Kinilala ni Major Julieto Ando, tagapagsalita ng Philippine Army 6th Infantry Division ang siyam na biktima na kinabibilangan ng mag-asawang Rogelio at Concepcion Canoy, mga anak na sina Gelroy at Norie Joy na may edad na 2 at 5 taong gulang at mga panauhing nakilala lamang sa mga pangalang Rolly Gesulga, Lilia Garet, Kulas Guimalon at isang pulis na nakilala lamang sa ngalang Subakon.
Pito sa siyam na biktima ang kasalukuyang isinasailalim sa intensive care ng Cotabato Regional Medical Center.
Nabatid sa ulat na ang 601st Brigade ng Army ang nakakasakop sa Pikit at sa mga katabing bayan nito sa Cotabato kung saan naroon ang barangay Inog-og na kinatitirikan ng bahay ng mga Canoy.
Naghahapunan ang mga biktima bandang alas-7 ng gabi ng maramdaman nila ang isang napakalakas na pagsabog na nagmula sa bubungan ng kanilang bahay.
"Nawalan kami ng malay dahil sa sobrang lakas ng pagsabog at nagkamalay na lamang kami dito na sa ospital," pahayag ni Rogelio.
Nabatid na ang barangay Inog-og ay hindi kalayuan sa Camp Rajah Muda na dating stronghold ng mga MILF ay na-convert na bilang peace zone at rehabilitation projects area ng pamahalaan.
Gayunman ang masukal na bahagi ng nabanggit na kampo ay pinagkukutaan ngayon ng Pentagon, ang kidnap-for-ransom gang na mismong si Alonto na mayroong P5M patong sa ulo ang nagmamando.
Matatag ang anggulo na ang Suicide Bombers Team na isang galamay ng Pentagon ang may kagagawan ng sunud-sunod na pambobomba makaraang personal na itanggi ng MILF leader ang bintang sa kanila.
Ganito rin ang reaksyon ng mga tagapagsalita ng mga magkakaribal na pamilyang pulitikal dito.
Sinabi ni Engineer Ronnie Unas tagapagsalita ni Gov. Ampatuan na hindi nila maaring gawin ang palalain pa ang sitwasyon sa Cotabato kung makikipaggantihan sila sa kung sino man ang sinasabing kaaway nila.
Sa panig naman ng mga Andalin na tulad ng mga Ampatuan ay namatayan sa Cotabato Disco shootout noong Sabado ay sinabi ng mga ito na tiyak na mayroong third party na kumakapital sa political rivalry dito ng mga tagarito upang dito ibintang ang kaguluhan.
Samantala ay dismayado naman ang MILF ng sabihin nito na walang basehan ang sinasabi ng militar na sila ang suspek sa pagsabog dahil mismong opisyal at mga miyembro ng MILF ang kabilang sa 14 na nasawi noong pagsabog sa bahay ni Mayor Ampatuan. (Ulat nina Danilo Garcia at John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest