^

Probinsiya

Bus bumaligtad: 4 patay, 33 grabe

-
PAGBILAO, Quezon – Apat katao ang nasawi kabilang na rito ang isang batang babae habang tatlumpu’t tatlong iba pa ang grabeng nasugatan matapos na ang kanilang sinasakyang pampasaherong bus na patungong Maynila ay bumaligtad habang binabagtas ang kahabaan ng Diversion Road na sakop ng Barangay Silangang Malicboy sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Teodito Fajardo, chief of police sa bayang ito ang dalawa sa apat na sina Stephanie Marto, 1, ng Makati City at Jacinto Zape, 19, ng Garchitorena, Camarines Sur, habang kasalukuyan pang inaalam ang pangalan ng dalawang iba pa.

Ang mga nasugatan na pawang nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ay ginagamot sa Jane County Hospital.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi habang ang Philtranco Bus (NYR-272) na minamaneho ni Deogmacias Emboltorio ay matulin na binabagtas ang nasabing daan patungong Maynila nang biglang nawalan umano ng preno at hindi na ito nakontrol na naging dahilan ng paggewang at ilang ulit na bumaligtad. (Ulat ni Tony Sandoval)

BARANGAY SILANGANG MALICBOY

CAMARINES SUR

DEOGMACIAS EMBOLTORIO

DIVERSION ROAD

JACINTO ZAPE

JANE COUNTY HOSPITAL

MAKATI CITY

MAYNILA

PHILTRANCO BUS

STEPHANIE MARTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with