Sinabi ni Soon-Ruiz na nakakabahala na ang dumaraming bilang ng confidential agents ng NBI na hindi naman tiyak kung kuwalipikado ang mga ito sa kanilang trabaho.
Inihalimbawa ni Soon-Ruiz ang nangyaring pamamaril ng mga confidential agents ng NBI sa isang L300 van na sinasakyan ng mga empleyado ng Plantation Bay kamakailan matapos mapagkamalan ang mga itong drug pushers.
Ang insidente ang isa na umano sa pinakamadugong nangyari sa lalawigan ng Cebu kung saan tinamaan ng mga namaril na confidential agents ang anim na taong sakay ng van.
Sinabi ni Soon-Ruiz na dapat alamin ng Kongreso kung paano kumukuha ng mga confidential agents ang gobyerno partikular ang NBI upang matiyak na ligtas sa mga ito ang mga inosenteng sibilyan.
No matter how the NBI refuses to admit it, it is clear that there is now a bigger number of assets and confidential agents who have joined the organizations, pahayag ni Soon-Ruiz.
Napaka-sensitibo aniya ang trabaho ng isang confidential agent dahil maari nitong ilagay sa kapahamakan ang isang sibilyan lalo na at kung kagalit niya ito.
Hindi lamang umano ito ang unang insidente na nasangkot ang mga trigger-happy na confidential agents ng NBI. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)