68 Elementary Pupil nalason sa Christmas Party
December 22, 2002 | 12:00am
Apalit, Pampanga May 68 estudyante mula sa San Vicente Elementary School sa bayang ito ang isinugod sa tatlong pagamutan makaraang kumain ng handa mula sa kanilang Christmas party.
Dakong 4:30 ng hapon kamakalawa nang mag-party ang mga estudyanteng pawang mga grade IV kung saan isang combination package na party food na nakasilid sa styropore ang inihain sa mga ito.
Gayunman makalipas ang may tatlong oras ay halos sabay-sabay na nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at labis na pagsusuka ang mga estudyante.
Nabatid mula sa alkalde ng bayang ito na si Tirso Lacanilao na napilitang dalhin ng kani-kaniyang mga magulang ang kanilang mga anak sa ibat-ibang pagamutan upang maibsan ang biglaang karamdaman ng mga ito.
Itinuturo ng mga magulang ng mga biktima ang handa sa party na spaghetti, fried chicken at Zesto brand fruit drinks na nakalason sa mga ito.
Sinabi naman ng principal ng nasabing paaralan na si Crisanta Lopez, 52 na hindi pa nila tukoy kung ano talaga ang nakalason sa mga estudyante.
Binanggit pa nito na nagmula sa isang caterer na ilang taon ng suki ng paaralan ang pagkain na inihanda sa party at first time aniya na naganap ito sa loob ng 52 taon.
Isang suliranin pa ang lumutang bunsod ng maramihang pagkaka-ospital ng mga estudyante at ito ay bayarin sa ibat ibang pagamutan.
Mabilis naman inorderan ni Lacanilao ang mga may-ari ng pagamutan na pagkalooban ng serbisyong medikal ang lahat ng pasyente kung saan nag-issue na rin ito ng promisory notes para sa gastusin ng mga biktima.
May ilang araw pa upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagkalason ng mga biktima base sa isinasagawang clinical at laboratory tests mula sa sample ng handa sa Xmas party.
"Posibleng ang dahilan nito ay ang pagkakasilid agad ng bagong lutong spaghetti sa styropore," ayon pa sa principal. (Ulat ni Ding Cervantes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended