P500-M ari-arian ng gobyerno sinabotahe ng mga NPA
December 19, 2002 | 12:00am
BAGUIO CITY Tinatayang aabot sa P500-milyong ari-arian ng gobyerno at pribadong sektor ang iniulat na nasabotahe na ng mga rebeldeng New People's Army (NPA) simula pa noong Enero 2002.
Ito ang lumalabas sa isiniwalat ng militar partikular na sa Luzon na may naitalang 38 pananabotahe, samantala sa Visayas naman ay aabot sa 12 insidente at 7 naman sa Mindanao.
Ayon sa ulat, ang mga apektado ay ang mga construction site, telecom and transport industry na itinuturing na economic sabotage.
Umaabot naman sa 11 cellsite/communication relay station; 27 pampasaherong aircon at non-aircon buses ang sinunog habang 29 units ng heavy equipment na karamihan ay pag-aari ng gobyerno ang sinabotahe.
Napag-alaman kay Lt. Col. Ceferino Tannagan WL Jr., AFP Civil Relations Group Northern Luzon commander na ang paghahasik ng lagim ng mga rebelde ay nagresulta upang magsilikas ang mga negosyante sa Northern at Central Luzon. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest