Mag-lola sinalpok ng kotse

CARRANGLAN, Nueva Ecija – Isang 60-anyos na lola ang kumpirmadong nasawi, samantala, nasa kritikal na kondisyon ang apo nitong batang lalaki makaraang masalpok ng kotse habang ang mag-lola ay naglalakad sa gilid ng kalsada na sakop ng Barangay Puncan sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kaagad na namatay ang matandang si Carmelita C. Magabu habang inoobserbahan naman sa San Jose City Medical Hospital si Ivan M. Serios na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng Toyota Corolla (UPF-840) na si Roger C. Lazaro, 31, may asawa ng Barangay Bon South, Aritao, Nueva Vizcaya.

May teorya ang pulisya na nawalan ng kontrol ang kotse dahil sa lubak-lubak na kalsada kaya nasalpok ang mga biktima bandang alas-7 ng gabi habang papauwi. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments