^

Probinsiya

Pulis patay sa ambus

-
CANDELARIA, Quezon – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang sarhentong pulisya ng dalawang hindi kilalang lalaki sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay nagmamaneho ng kanyang sasakyan patawid ng riles ng tren na sakop ng Brgy. Malabanban Sur sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Walang buhay na duguang bumulagta ang biktimang si SPO3 Manuel Villanueva, 46, may asawa at nakatalaga sa Candelaria police station.

Samantala, ang mga killer na sakay ng motorsiklo ay mabilis na tumakas sa direksyon ng San Juan, Batangas.

Sa isinumiteng ulat kay P/Sr. Supt. Ricardo Padilla, Quezon PNP director, naitala ang pananambang dakong alas-5:30 ng hapon habang papauwi na ang biktima sakay ng Ford Ranger (WLZ-448).

Tiniyempuhan ng mga killer ang biktima habang tumatawid ang sasakyan sa riles ng tren at dito isinagawa ang pananambang bago nagsitakas.

Isa sa sinisilip din ng mga imbestigador ay paghihiganti ang motibo ng krimen dahil sa bago pa mapaslang si Villanueva ay nalambat nito si Roberto Bathan sa isinagawang drug bust operation at may posibilidad na niresbakan ang biktima. (Ulat ni Tony Sandoval/Celine Tutor)

vuukle comment

CELINE TUTOR

FORD RANGER

MALABANBAN SUR

MANUEL VILLANUEVA

QUEZON

RICARDO PADILLA

ROBERTO BATHAN

SAN JUAN

SR. SUPT

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with