^

Probinsiya

Sikyu nanghalay ng maid nasakote

-
LUCENA CITY – Nagwakas ang matagal na nagtatago sa batas ang isang security guard na pinaniniwalaang responsable sa panghahalay ng kanyang katulong makaraang madakip sa kanyang bahay habang nagpapahinga kahapon ng umaga sa Brgy. Gulang-gulang sa lungsod na ito.

Si Reynaldo Obnias, 23, may asawa ay dinakip dakong alas-5 ng umaga ng mga tauhan ni P/Supt. Danny Ramon E. Siongco, hepe ng pulisya sa lungsod na ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Guillermo Andaya ng Regional Trial Court Branch 53.

Sa ulat ni SPO3 Jhonny Escalderon ng Lucena PNP warrant section, isinagawa ng suspek ang maitim na balak sa biktima noong gabi ng Nobyembre, 24, 2001.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na lango sa alak ang suspek nang isagawa ang krimen bago pinalayas ang biktima.

Lingid sa kaalaman ng guwardiya ay nagsuplong ang biktima sa mga awtoridad kaya naisampa sa korte ang kaso. (Ulat ni Tony Sandoval)

BRGY

DANNY RAMON E

GULANG

JHONNY ESCALDERON

JUDGE GUILLERMO ANDAYA

LINGID

LUCENA

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SI REYNALDO OBNIAS

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with