^

Probinsiya

20 katao hinostage ng 28 armado

-
Umaabot sa dalawampung katao kabilang na ang tatlong opisyal ng barangay ang iniulat na hinostage ng dalawampu’t walong armadong kalalakihan makaraang salakayin ang Barangay Dulag malapit sa Iligan City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Roger Nuneza sa Camp Crame, tatlo sa dalawampung hinostage ay nakilalang sina Wahad Kadatu, Ikong Andig at isang alyas Amman na pawang barangay kagawad ng Brgy. Dulag ng naturang lungsod.

Napag-alaman pa sa ulat na pinamunuan ng mag-utol na sina Bucari at Tongkoy Alindo ang isinagawang pagsalakay dakong alas-4:30 ng hapon sa nabanggit na barangay upang ipaghiganti ang kanilang kapatid na pinatay ng taga-Barangay Dulag.

Nagsimula ang kaguluhan makaraang tambangan at mapatay si Palao Alindo, 37, na utol nina Bucari at Tongkoy ng Barangay Malna, Kapai, Lanao del Sur noong Linggo ng hapon, Dec. 1, 2002 habang nagmomotorsiklo.

Sa salaysay ng asawang si Rica Alindo kay P/Insp. Andrew Gomez, police station commander, positibo nitong itinuro ang mag-asawang Ramirez Nato at Sonia Nato ang nasa likuran ng pamamaslang sa biktima.

Nagsimula ang banggaan ng dalawang pamilya makaraang pumasok sa politika ang kaanak ng Alindo at naging kaaway na ang pamilya Nato.

Nagbayad ng P.3-milyon blood money ang pamilya Alindo sa mga naulila ng biktima para maareglo na ang kaso ngunit gumanti naman ang mag-asawang Nato.

Sa kasalukuyan ay sumaklolo si Brgy. Chairman Bino Imbadir, kaanak ng pamilya Alindo sa pulisya at mga tauhan ng 30th Infantry Battalion ng Phil. Army upang makipagnegosasyon sa naganap na hostage drama.

Makaraan ang 10 oras na pakikipagnegosasyon ng mga awtoridad ay pinalaya rin ang 20 bihag ng mga armadong kalalakihan.(Ulat nina Danilo Garcia at Lino dela Cruz)

vuukle comment

ALINDO

ANDREW GOMEZ

BARANGAY DULAG

BARANGAY MALNA

BRGY

BUCARI

CAMP CRAME

CHAIRMAN BINO IMBADIR

DANILO GARCIA

IKONG ANDIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with