Barangay chairman itinumba
December 2, 2002 | 12:00am
LABO, Camarines Norte Isang barangay chairman na pinaniniwalaang nagbulgar ng modus operandi ng sindikato ng illegal logging ang iniulat na pinagpapalo ng matigas na kahoy hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Purok 4 sa bayang ito.
Ang duguang bangkay ni Brgy. Chairman Antonio Coruz, 44, ng Brgy. Calabasa ay natagpuan bandang alas-11:30 ng gabi sa nabanggit na lugar.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na bago mapatay ang biktima ay nakipag-usap pa ito sa kanyang kaibigang si Atty. Sim Mata na pinagbabantaan ang kanyang buhay dahil sa pagbubulgar na ginawa nito sa operasyon ng illegal logging.
Nabatid pa kay Atty. Mata na isiniwalat ng biktima na ang sindikato ay kinasasangkutan ng malapit na kamag-anak ng isang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Labo.
Mariing sinabi ni Atty. Mata na may posibilidad na siya na ang isusunod na itutumba dahil sa malaki ang nalalaman nito sa operasyon at dahil na rin sa pagsusumbong ni Coruz tungkol sa illegal logging sa naturang bayan.
Sa kasalukuyan ay inaalam ng pulisya ang tunay na motibo ng krimen. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 18 hours ago
By Doris Franche-Borja | 18 hours ago
By Jorge Hallare | 18 hours ago
Recommended