^

Probinsiya

DLSU coed nagbaril sa sentido

-
GENERAL TRIAS, Cavite – Isang estudyanteng babae mula sa Dela Salle University sa Dasmariñas na pinaniniwalaang naghahanap ng pagmamahal ng mga magulang ang iniulat na nag-suicide sa pamamagitan nang pagbaril sa sintido sa kanilang bahay sa Barangay San Francisco sa bayang ito kahapon ng umaga.

Isang tama ng bala ng kalibre .38 baril sa kaliwang sintido ang tumapos sa buhay ni Lilibeth Arceo, 19, 1st year college sa kursong medical technology sa nabanggit na unibersidad at naninirahan sa kanyang tiyuhing pulis sa Parklane Country Homes sa naturang lugar.

Nag-iwan ng suicide note ang biktima para sa kanyang ina na nasa Germany, kapatid, lola at mga kaklase sa naturang eskuwelahan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO2 Roberto Lansaga, naitala ang pangyayari dakong alas-11:30 ng umaga matapos na magkulong sa kanyang kuwarto ang biktima.

Nakasaad sa suicide note ng biktima na naghahanap ng pagmamahal mula sa kanyang ina at sa ama na bihira na niyang makita dahil sa nagkahiwalay ang mag-asawa. May teorya ang pulisya na dinamdam ng biktima ang paghihiwalay ng kanyang magulang kaya nagdesisyong tapusin ang buhay. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BARANGAY SAN FRANCISCO

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DASMARI

DELA SALLE UNIVERSITY

ISANG

LILIBETH ARCEO

NAKASAAD

PARKLANE COUNTRY HOMES

ROBERTO LANSAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with