^

Probinsiya

Senglot nang-alaska pinatay ng albularyo

-
TAGKAWAYAN, Quezon – Dahil sa pagiging alaskador ng isang 55-anyos na mister kapag nalalango sa alak ito ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng albularyo na napikon sa biktima sa Barangay San Isidro sa bayang ito kamakalawa ng tanghali.

Si Romeo Recafranca, may asawa ay nagtamo ng hindi nabatid na bilang ng bala ng baril sa katawan na ikinasawi nito, samantala, boluntaryong sumuko sa pulisya ang suspek na si Honorio de Mesa, 60, at residente ng Barangay Poblacion.

Kasalukuyang nanggagamot ang suspek nang mapadaan ang biktima na senglot at inalaska ang albularyo na hindi nito mapapagaling ang mga kliyente.

Napag-alaman sa pagsisiyasat ni SPO1 Wilfredo Castillo na hindi pinansin ng albularyo ang pang-aalaska ng biktima hanggang sa tutukan na siya ng baril ngunit kaagad namang naagaw ng suspek.

Dito na nagbunot ng patalim ang biktima kaya inunahan na ng suspek na paputukan. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SAN ISIDRO

DAHIL

DITO

HONORIO

KASALUKUYANG

NAPAG

SI ROMEO RECAFRANCA

TONY SANDOVAL

WILFREDO CASTILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with