Obrero himalang nakaligtas sa ‘salvage’

Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 22-anyos na lalaki makaraang dukutin at bigtihin ng mga hindi kilalang lalaki sa kanilang bahay sa Brgy. Bartolabac, San Jacinto, Masbate City kamakalawa ng umaga.

Naisalba ng mga awtoridad na nagsagawa ng follow-up operation ang nakabitin pang biktimang si Jelan Trinidad, binata, obrero sa bahay ng isa sa mga suspek na si Benigno Cervantes Jr., alyas Budoy sa Market site, Brgy. Pating.

Si Cervantes ay nadakip ng pulisya sa pakikipagtulungan ng pamilya Trinidad at sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo ng krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments