^

Probinsiya

CAFGU dedo, anak grabe sa NPA

-
CAMP CRAME — Isang 38-anyos na miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang iniulat na nasawi, samantala, ang anak na batang babae ay malubhang nasugatan makaraang ratratin ng malalakas na kalibre ng baril ng mga rebeldeng New People’s Army ang kanilang bahay sa Sitio Tinago, Brgy. Tubo-Tubo, Monkayo, Compostela Valley kamakalawa ng umaga.

Si Bernie Lumampao ay nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril, samantala, ang anak nitong si Lady Babe na ngayon ay nasa Tagum Provincial Hospital ay malubhang nasugatan.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang pangyayari dakong alas-5:30 ng umaga makaraang magtungo ang mga rebelde sa bahay ng biktima at hinahanap ang biyenan nito hanggang sa isagawa ang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

BRGY

CAMP CRAME

CIVILIAN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

COMPOSTELA VALLEY

DANILO GARCIA

LADY BABE

NEW PEOPLE

SI BERNIE LUMAMPAO

SITIO TINAGO

TAGUM PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with