^

Probinsiya

Bahay sinuwag ng pick-up, 1 patay, 4 grabe

-
MAGALLANES, Cavite – Pinaniniwalaang nakatulog pansamantala ang drayber ng Isuzu pickup kaya sumalpok sa isang bahay na ikinasawi ng batang lalaki, samantala, apat pang iba ang nasa kritikal na kondisyon sa Barangay Cabulusan sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Si Maximel Garcia, 10, grade 5 pupil ay namatay, samantala, ang kapamilya nito na isinugod sa Dr. Derayata Hospital ay sina Marcia Evilla, 31, ina ng nasawi; Cerillo Granado, 32; Goriesel Garcia,11 at Cesar Granado, 18 na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Inaresto naman ang drayber ng sasakyan (CBJ-139) na si Anthony Hacienda, 21, binata ng Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naitala ang aksidente bandang alas-2 ng madaling-araw makaraang makatulog at hindi kaagad nakabig ng drayber ang minamanehong pickup kaya lumusot sa bahay na kinatutulugan ng mga biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

ANTHONY HACIENDA

BARANGAY CABULUSAN

CAMP VICENTE LIM

CERILLO GRANADO

CESAR GRANADO

CRISTINA GO-TIMBANG

DR. DERAYATA HOSPITAL

GORIESEL GARCIA

MARCIA EVILLA

SI MAXIMEL GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with