^

Probinsiya

NAPOLCOM provincial director nilikida

-
CAMP CRAME – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang provincial director ng National Police Commission (NAPOLCOM) ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang ang biktima ay nag-iigib ng tubig sa harap ng sariling bahay sa Barangay Kayaga, Buluan Maguindanao noong Sabado ng gabi.

Walang buhay na bumulagta ang biktimang si Mustapha Pembleken Sampulna, 42, may asawa ng Sitio Mamalinta ng naturang lugar.

Naganap ang krimen bandang alas-9:30 ng gabi sa harapan ng bahay ng biktima matapos mag-igib ng tubig sa poso.

Napag-alaman sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame na kagagaling pa lamang ng biktima sa kasalan at nagpahinga saka nag-igib ng tubig ngunit sinalubong siya ng mga armadong kalalakihan.

Matapos na masigurong patay na ang biktima ay mabilis na lumayo ang mga killer sa hindi nabatid na direksyon.

Sinisilip ng mga imbestigador ang motibo na may pinalalagay na may kaugnayan ang krimen sa hinahawakan nitong mga kaso sa nabanggit na ahensya. (Ulat nina Danilo Garcia at Lordeth Bonilla)

BARANGAY KAYAGA

BULUAN MAGUINDANAO

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

LORDETH BONILLA

MATAPOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MUSTAPHA PEMBLEKEN SAMPULNA

NATIONAL POLICE COMMISSION

SITIO MAMALINTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with