Explosives expert ng MILF nasakote
November 1, 2002 | 12:00am
COTABATO CITY Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng 38th Infantry Battalion at Armys 12th Intelligence Service Unit ang demoliton expert ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang sakay ng motorsiklo patungo sa Kidapawan City mula Alamada, North Cotabato kahapon.
Nakumpiska ang bombang B-40 rockets at 81mm mortar projectile mula sa suspek na si Abu Hashim Solaiman na iniuugnay ng militar kay Ustadz Shamier, kapatid ni MILF chieftain Hashim Salamat.
Sinabi ni Army Major Julieto Ando, spokesman ng Armys 6th Infantry Division na bineberipika pa ang kaugnayan ni Solaiman sa isang extortion ring na may modus operandi sa Central Mindanao at responsable rin sa serye ng pagpapasabog sa mga establisimiyento sa naturang rehiyon.
Isiniwalat naman ng isang senior Army intelligence officer na ayaw ipabanggit ang pangalan na ang motorsiklong sinakyan ni Solaiman ay nakarehistro sa pangalan ng kilalang politiko mula sa North Cotabato. Ngunit pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ng politiko habang sumasailalim pa sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Solaiman sa Central Mindanao.
Napag-alaman din sa record na nakalap ng mga awtoridad na si Solaiman ay nagsanay sa ibang bansa bilang bomb expert na maaaring makagawa ng bomba na time-delayed.
Nagpahayag naman ng suporta ang Muslim religious leader ng North Cotabato sa kapulisan na masusing imbestigahan ang tunay na kaalyado ni Solaiman na pinaniniwalaang may kaugnayan sa Al-Qaeda terror network ni Osama bin Laden. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest