2 bagets na NPA nasakote
October 31, 2002 | 12:00am
CAGAYAN DE ORO Dalawang tinedyer na kasapi ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang iniulat na nalambat ng tropa ng militar makaraang salakayin ang malaking kampo ng makakaliwang kilusan noong Lunes malapit sa bayan ng Habonga sa isla ng Mindanao.
Sinabi ni Army Major Johnny Macanas na ang dalawang tinedyer na rebelde na may edad na 16 at 17-anyos ay iniwan ng kanilang kadre matapos na mamataan ang mga nagsisilusob na tropa ng militar.
Idinagdag pa ni Macanas na ang pagkakadakip sa dalawang tinedyer ay nagpapakita lamang na pawang katotohanan ang mga naunang ulat na ang mga rebeldeng NPA ay nagre-recruit ng menor-de-edad ngunit inamin naman ng pamunuan ng makakaliwang kilusan na ginagawa lamang nilang espiya o kaya courier ang mga bata at hindi bilang mga guerilla.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest