^

Probinsiya

28 kidnaper nasakote

-
ZAMBOANGA CITY – Umaabot sa dalawampu’t walong kasapi ng Abu Sayyaf kidnaper ang iniulat na nalambat ng tropa ng militar makaraang salakayin ang pinagkukutaan ng mga bandido sa bulubundukin ng Daho sa isla ng Jolo, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Sinabi ni Col. Alexander Aleo, Jolo military commander na ang mga nalambat na Sayyaf kidnaper ay responsable sa pagdukot sa tatlong Indonesian seamen at apat na miyembro ng malaking sekta ng relihiyon ngunit hindi naman kaagad namataan ang mga biktima na pinaniniwalaang dinala ng mga natitirang nagsitakas na Sayyaf.

Ayon pa kay Aleo na narekober ng kanyang mga tauhan ang hindi pa mabatid na bala ng malakas na baril na pinalalagay na iniwanan ng mga bandidong Abu Sayyaf na kasalukuyang tinutugis pa ng militar.

Ang isinagawang pagsalakay ng militar ay bahagi ng operasyon laban sa mga Muslim extremist na nagsasagawa ng pagdukot sa mga dayuhan bago humihingi ng ransom money.

Napag-alaman pa sa ulat ng militar na ang grupo ng Abu Sayyaf ay sumapi na sa grupo ng rebeldeng Muslim kabilang na ang tagasuporta ni dating ARMM Governor Nur Misuari na nagkukuta sa Patikul, Sulu.

Idinagdag pa ni Aleo na iniuugnay din ang Sayyaf sa serye ng pagpapasabog sa Zamboanga City malapit sa Jolo na ikinasawi ng 12 katao kabilang na ang isang miyembro ng US Green Beret.(Ulat ni John Unson)

ABU SAYYAF

ALEO

ALEXANDER ALEO

GOVERNOR NUR MISUARI

GREEN BERET

JOHN UNSON

JOLO

SAYYAF

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with