3 anggulo tinitingnan sa naganap na ratratan sa Cavite
October 27, 2002 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Imus Cavite Tatlong anggulo ang tinitingnan ng Cavite PNP sa naganap na matinding sagupaan sa pagitan ng grupo ng Cavite CIDG at Brgy. Captain, kamakalawa ng gabi na ikinamatay ng anim katao, kabilang ang isang 8 taong gulang na batang lalaki sa Brgy. Ligtong 4,Rosario Cavite.
Sa isinagawang panayam kay P/Chief Insp. Rhodel Sermonia ng Provincial Intelligence and Investigation Branch (PIIB) Cavite, pinag-aaralan umano nila ang tatlong motibo na lumalabas sa naganap na sagupaan, una umano rito ang political rivalry, kung saan ang namatay na kapitan na si Larry Convento at Romino Voluntad ay nagkasagupa nitong nakaraang barangay election kung saan si Convento ang nanalo.
Pangalawa ay ang matinding galit (personal grudge) sa pagitan din ng mga ito at ang pangatlo ay ang umanoy mga illegal activities ng nasabing kapitan sa kinasasakupan nitong lugar na umanoy protektado nito, ayon na rin sa report ng Cavite CIDG, katulad umano ng mga illegal dynamites at mga high powered firearms na umanoy protektado ni Kapitan na siyang mino-monitor ng grupo ng CIDG.
Matatandaan na nagpang-abot ang grupo nina Brgy. Kapitan Larry Convento at kapatid nitong si Sonny Convento na kapwa namatay, at grupo ng Cavite CIDG kung saan napatay din sina: SPO2 Gerardo Concha at P03 Ernesto Baybay kapwa miyembro ng 403rd CIDG na nakabase sa bayang ito. Habang nadamay din at napatay ang isang 8 anyos na batang lalaki na si Moriel Bellestas student, habang kasalukuyang nasa pagamutan ang isa pang natamaan ng mga straybullet na si Reymundo Pangilinan ng nasabing lugar.
Nagbaba naman ng manhunt operation si P/Sr. Supt. Samuel Pagdilao laban sa dalawang tumakas na mag- kapatid at anak ni kapitan na sina; Jimmy at Gilbert Convento na umanoy nakatangay ng mga baril na ginamit sa sagupaan.
Kaugnay nito, isang mahigpit na pagbabantay naman ang isinasagawa ngayon laban sa magkabilang grupo hinggil sa umanoy kumalat na banta na magkakaubusan umano ng lahi sa naganap na sagupaan. Kasalukuyan ng nagsasagawa ng follow-up operation ang Cavite PNP para sa ikadarakip ng tumakas na magkapatid na Convento. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest