^

Probinsiya

5 rebelde patay sa engkuwentro

-
ZAMBOANGA CITY — Lima na rebelde ang iniulat na napatay sa panibagong engkuwentro ng tropa ng militar laban sa pinagsanib na puwersa ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front, Abu Sayyaf at New People’s Army (NPA), kahapon sa kagubatan at bulubundukin ng Sultan Gumander, Lanao del Sur.

Sa ulat ni Major General Alfonso Dagudag, commander ng 4th Division ng Phil. Army kay Lt. General Narciso Abaya, hepe ng Armed Forces Southern Command, naitala ang panibagong sagupaan bandang alas-6:30 ng umaga sa Sitio Maladig.

Siyam na rebelde ang naitalang napapatay na ng tropa ng militar at hindi mabatid na bilang ng nasugatan simula noong Sabado.

Narekober ng tropa ng 67th Infantry Battalion ang limang malalakas na baril, samantala, ang mga sugatang rebelde ay binitbit ng kanilang papatakas na mga kasamahan habang ipinagpapatuloy ang pagtugis ng militar sa tatlong grupo ng rebelde.

Ayon sa ulat ng militar, ilang kasapi ng teroristang Abu Sayyaf ay kasalukuyang nangangalap ng bala upang suportahan ang kanilang grupo sa Sulu at Basilan partikular na ang pagsasanay ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF). (Ulat ni Roel Pareño)

ABU SAYYAF

ARMED FORCES SOUTHERN COMMAND

GENERAL NARCISO ABAYA

INFANTRY BATTALION

MAJOR GENERAL ALFONSO DAGUDAG

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NEW PEOPLE

ROEL PARE

SITIO MALADIG

SULTAN GUMANDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with