Police Captain binoga sa loob ng kampo
October 18, 2002 | 12:00am
LAOAG CITY Isang police captain ang kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa pinagdalhang ospital makaraang pagbabarilin ng senglot na police colonel sa loob ng kampo sa bayang ito noong Miyerkules, Oktubre 16, 2002 ng madaling-araw.
Sa ulat ni P/Sr. Supt. Romeo D. Espiritu, police provincial director, malubhang nasugatan si P/Sr. Insp. Jay de Guzman, director ng 2nd Mobile Group at residente ng Badoc, Ilocos Norte, samantala, ang suspek ay nakilalang si P/Supt. Melchor Sadumiano na dumating sa kampo na lango sa alak at nag-iingay.
Dahil sa likhang ingay ng senglot na suspek ay nakatawag ng pansin sa biktima kaya lumabas ng kuwarto at tangkang payapain ngunit pinagbantaang papatayin hanggang sa pagbabarilin nga si De Guzman.
May teorya ang mga imbestigador na nainggit si Sadumiano sa mga accomplishments ng biktima kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 13 hours ago
By Doris Franche-Borja | 13 hours ago
By Cristina Timbang | 13 hours ago
Recommended