Bilyong pekeng US treasury bills nasabat
October 17, 2002 | 12:00am
ANGELES CITY, Pampanga Bilyong halaga ng mga pekeng US federal treasury bills ang kinumpiska ng mga ahente ng Criminal and Investigation Detection Group (CIDG) sa isinagawang biglaang pagsalakay sa Villasol Subdivision sa lungsod na ito noong Martes ng gabi.
Nabatid sa source mula sa Camp Olivas sa San Fernando City na inaresto ang may-ari ng bahay na si Demetro Garcia at kasamahan dahil sa nadiskubreng 30 pirasong US federal treasury bills, samantala, ang anim na iba pa ay nakalagay sa kahon na may nagkakahalaga ng US$250-milyon bawat isa.
Bago pa salakayin ang bahay ni Garcia ay nagpalabas na ng search warrant si Guimba, Nueva Ecija Regional Trial Court Judge Napoleon Sta. Romana laban kay Garcia.
Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang kalibre .45 baril sa sinalakay na bahay ni Garcia sa 1949 New York St. ng nabanggit na lugar at natagpuan ang logbook na may talaan ng mga pangalan na pinaniniwalaang nasa ilalim ng "Payola" sa modus operandi ni Garcia.
Kabilang sa nadiskubre sa logbook ay dalawang pangalan ng mataas na opisyal ng pulisya na binibigyan ng P150,000 na nasa ilalim ng pangalang Soria at Hernandez.
Kinumpirma naman ni P/Sr. Supt. Angelito Pacia, Angeles City police director na nakipag-ugnayan sa kanyang mga tauhan ang mga CIDG na magsagawa ng operasyon sa bahay ni Garcia.
Ang matagumpay na operasyon ng CIDG ay dahil sa impormasyong ibinigay ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) sa modus operandi ni Garcia, ayon pa sa source.
Mariin namang sinabi ni Garcia na ang mga US federal treasury bill ay pawang tunay at gagamitin sa mga proyekto sa Diosdado Macapagal International Airport na malapit sa Clark Special Economic Zone (CSEZ). (Ulat ni Ding Cervantes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest