Barangay Chairman, utak sa pagpatay kay Judge Uson?
October 13, 2002 | 12:00am
TAYUG, Pangasinan Isang barangay chairman na kilalang lider ng sindikato ng karnaping at gun-for-hire sa Metro Manila at Region 1 ang pinaniniwalaang utak sa pagkakapatay kay Tayug Regional Trial Court Judge Oscar Gary Uson noong Biyernes, Setyembre 27, 2002.
Ibinulgar ng grupo ng Private Lawyers Association (PLA) at mga kawani ng Tayug Regional Trial Court Branch 52 na bago maganap ang pananambang kay Judge Uson ay nakipag-usap ang hindi binanggit na pangalan ng brgy. chairman kasama ang kanyang abogado sa nasawing hukom noong Setyembre 16, 2002.
Nakiusap ang brgy. chairman na ipawalang-sala ang kasong murder at illegal possession of firearms laban sa kanyang tauhan at magbibigay na lamang ng P150,000.
Ayon pa sa grupo at nakarinig sa pag-uusap ng magkabilang panig na tinanggihan ni Judge Uson ang alok na halaga kaya nairita ang brgy. chairman at nagsabing "Judge, ano bang gusto mo, bala o kuwalta?"
Sinabi pa ng nakarinig na kawani ng korte na ayaw ipabanggit ang pangalan na sinabihan ni Judge Uson ang dalawa na maghintay na lamang ng kanyang desisyon at itago na lang ang pera.
Sa pahayag ni P/Chief Supt. Arturo Lomibao, police Region 1 director na may sinusundan na silang angulo ngunit hindi ibinulgar ang detalye upang mapadaling maresolba ang kaso. (Ulat ni Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended