^

Probinsiya

Muling pagpapasabog sa Zamboanga napigilan

-
ZAMBOANGA CITY – Napigilan ng militar ang muling pagpapasabog sa Zamboanga City ng mga teroristang Abu Sayyaf makaraang madiskubre ang isang pakete ng improvised bomb na inilagay sa market stall malapit sa shrine ng Virgin Mary sa Fort Pilar noong Biyernes ng gabi.

Ang pagkakadiskubre sa nabulilyasong pagpapasabog ay itinaon sa dumadagsang libu-libong deboto sa naturang lugar upang idaos ang kapistahan ng Virgin of Pilar kahapon.

Napag-alaman sa ulat na ang bomba ay nadiskubre ng hindi kilalang stall owner at kaagad naman ipinagbigay-alam sa pulisya bandang alas-8:45 ng gabi.

Sinabi ni P/Chief Insp. Jose Bayani Gucela, hepe ng Explosive Ordinance Disposal (EOD) na ang bomba ay may timing device at pitong minuto na lamang ang nalalabi at sasabog na bago ma-defused.

Ayon sa mga awtoridad ang nadiskubreng bomba ay kaparehas ng bomba na sumabog sa videoke bar sa Malagutay na ikinasawi ng apat katao kabilang na ang sundalong Kano.

Ibinulgar ng militar na dalawang teroristang Abu Sayyaf na pinaniniwalaang nagsanay na gumawa ng bomba ang kasalukuyang tinutugis sa hindi binanggit na lugar upang hindi maantala ang pagdakip. (Ulat ni Roel Pareño)

ABU SAYYAF

AYON

CHIEF INSP

EXPLOSIVE ORDINANCE DISPOSAL

FORT PILAR

JOSE BAYANI GUCELA

ROEL PARE

VIRGIN MARY

VIRGIN OF PILAR

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with