Test mission lang sa bus terminal blast
October 12, 2002 | 12:00am
COTABATO CITY Kumbinsido ang ibat ibang sektor sa Central Mindanao na ang naganap na pagpapasabog sa bus terminal sa lungsod na ito noong Huwebes ay isang test mission ng mga bagong recruit na rebelde na sinanay sa paghahasik ng lagim sa ilang bahagi ng rehiyon.
Tatlong araw bago maganap ang pangyayari ay nadiskubre ng mga awtoridad ang nakabalot na powerful improvised explosive device sa ilalim ng mesa sa opisina ng dean of arts and science sa Cotabato State University.
Nadakip naman ang suspek na si Montaser Guiday na naglagay ng bomba habang papalayo mula sa campus na kasapi ng teroristang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na iniuugnay sa Al-Qaeda terrorist network ni Osama Bin Laden.
Inamin naman ni Guiday kay P/Sr. Supt. Sangacala Dampac, Cotabato City police director na sinanay siya sa paggawa ng improvised bomb ngunit hindi idinetalye ng mga awtoridad.
Ayon naman kay Army Major Julieto Ando, spokeman ng Armys 6th Infantry Division na wala pa silang solidong ebidensya na mag-uugnay ang bus terminal bombing sa MILF. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended