^

Probinsiya

80 new recruit na NPA ipinakalat sa Region 8

-
TACLOBAN CITY – Walumpung katao na bagong recruit ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kumpirmadong ipinakalat na sa iba’t ibang lalawigan ng Region 8 upang magsagawa ng test mission.

Ayon sa nakalap na intelligence report ng pulisya, ang mga bagong recruit na rebelde ay sinanay sa paghahasik ng lagim partikular na ang pagpatay sa ilang matataas na opisyal ng lokal na pamahalaan kabilang na ang mga tumatangging magbigay ng revolutionary tax na negosyante sa Eastern Visayas.

Pinatitiktikan na ng mga awtoridad ang mga ikinikilos ng mga rebelde sa nabanggit na rehiyon dahil sa impormasyon na nakalap mula sa loob mismo ng makakaliwang kilusan ng nagsisilbing deep penetration agent.

Napag-alaman pa sa ulat na namataan sa kagubatan ng Burauen, Leyte ang grupo ng NPA na kasapi ng Leyte Communist Movement (LCM) sa pamumuno ni Ka Popoy.

Nabatid pa na may malaking kuta ang NPA rebels sa Brgy. Cagbana sa nabanggit na lalawigan.

Nagbanta naman si National Democtratic Front (NDF) chairman Luis Jalandoni na magsasagawa sila ng pagpatay laban sa mga opisyales ng pamahalaan, ranking officials ng AFP at PNP kabilang na ang non-commissioned officers.

Nauna ng iniulat na nagsagawa na ang mga rebeldeng NPA na maghasik ng lagim sa Davao, Angat, Bulacan at Quezon. (Ulat ni Miriam G. Desacada)

ANGAT

AYON

EASTERN VISAYAS

KA POPOY

LEYTE COMMUNIST MOVEMENT

LUIS JALANDONI

MIRIAM G

NATIONAL DEMOCTRATIC FRONT

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with