Umbagerong mister tinigok ni misis
October 4, 2002 | 12:00am
GENERAL MARIANO ALVAREZ, Cavite Dahil sa pagiging umbagerong asawa ay nagawang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng kanyang misis matapos ang mainitang pagtatalo na naganap sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Nicolas Virata sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Idineklarang patay sa ospital si Jose G. Clerigo, 34, samantala, kaagad naman sumuko sa pulisya ang suspek na si Eleonor Clerigo, 33, kapwa mananahi ng damit at residente ng nabanggit na barangay.
Base sa imbestigasyon ni PO1 Cherilyn Perea, naitala ang krimen dakong ala-una ng madaling-araw .
Dumating ang biktima na lango pa sa alak at pasigaw na tinawag ang kanyang misis ngunit binalewala ng babae hanggang sa magtalo ang mag-asawa at upang maiwasan ang muling panggugulpi sa babae ay napatay nito sa saksak ang biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 21 hours ago
By Cristina Timbang | 21 hours ago
By Tony Sandoval | 21 hours ago
Recommended