25 barangay sa Pampanga nakaambang mawalan ng kuryente
October 1, 2002 | 12:00am
LUBAO, Pampanga Dalawamput limang barangay sa dalawang bayan sa Pampanga kabilang ang birthplace ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nakaambang mawalan ng kuryente dahil sa bangayan ng pamunuan ng Pampanga Electric Cooperative II (Pelco II) at dating suspek na isinabit sa droga na si Alfredo Tiongco.
Isa sa kontrobersyal na maaapektuhan ay ang birthplace ni Pangulong Arroyo na matatagpuan sa Brgy. San Nicolas.
Si Alfredo Tiongco, may-ari ng power transformer na nakalagay sa kanyang pabrika ng semento sa Brgy. San Jose Gumi ay nagsu-supply ng kuryente sa 18 barangay sa Lubao at 5 barangay sa bayan ng Sasmuan, Pampanga simula pa noong 1999.
Nawalan ng kuryente ang 25 barangay noong Biyernes dahil sa akusasyon ni Tiongco laban sa Pelco II na hindi nagbayad ng P14-milyon bilang bayad sa kanyang pasilidad na kinalalagyan ng power transformer.
Sinisingil si Tiongco ng P3-milyon unpaid electric bills ng Pelco II kaya bilang ganti ay pinutulan naman ng linya ng kuryente ang 25 barangay ngunit muling binalik ang linya noong Lunes dahil sa napabalitang nakialam na ang Malacañang.
Ngunit mariing sinabi ng general manager ng Pelco II na walang basehan si Tiongco na maningil ng P14-milyon dahil sa walang pormal na napagkasunduang usapang tungkol sa pagbabayad nila sa power transformer ni Tiongco.
Umapela naman kay Tiongco ang mga kinauukulan na pansamantalang magbigay ng linya ng kuryente sa mga residente hanggang hindi natatapos ang bagong power transformer sa katapusan ng Oktubre na pinondohan ng P7-milyon ng Pangulo bilang proyekto sa kanyang sinilangang bayan. (Ulat ni Ding Cervantes at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest