^

Probinsiya

NPA nanunog ng kagamitan

-
Muli na namang naghasik ng karahasan ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos salakayin ang compound ng construction company na pag-aari ng alkalde saka sinunog ang pitong heavy equipment na umaabot sa P10-M sa Botolan, Zambales kamakalawa.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, ang panibagong pag-atake ay naganap bandang alas-8 ng gabi nang lumusob ang grupo ng mga armadong rebelde kabilang ang tatlong amasona sa construction compound sa Brgy. Banguilan sa bayang ito.

Isang nakilalang Commander Miguel, secretary ng Kilusang Larangang Gerilya na aktibong nag-ooperate sa Zambales, ang namuno sa pagsalakay.

Ang nasabing kompanya ay pag-aari ni Botolan Mayor Roger Yap at business partner nitong nakilala lamang sa pangalang Maniquis.

Napag-alaman na agad dinisarmahan ng mga rebelde ang mga security guard na nagbabantay sa front gate ng naturang construction company.

Samantala, agad namang tinungo ng iba pang mga rebelde ang kinaroroonan ng naturang mga heavy equipments at binuhusan ng gasolina saka sinilaban.

Kabilang sa mga nasunog na construction equipment ay isang backhoe, dyip, 2 stone crushers, bulldozer at 2 payloaders na tinatayang nagkakahalaga ng P10 milyon.

Pinaniniwalaan namang ang mariing pagtanggi ni Mayor Yap at ng business partner nito na magbigay ng revolutionary tax sa kilusan ang motibo ng panununog.

Magugunita na nitong nakalipas na hatinggabi ng Setyembre 25 ay sinalakay at sinunog din ng mga rebelde ang tatlong quarrying plants sa Angat, Bulacan at dito’y naitala rin sa P10-M ang nilikhang pinsala sa insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

ANGAT

BOTOLAN MAYOR ROGER YAP

CAMP AGUINALDO

COMMANDER MIGUEL

JOY CANTOS

KILUSANG LARANGANG GERILYA

MAYOR YAP

NEW PEOPLE

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with