^

Probinsiya

Lider ng sex cult natiklo

-
Nakatakdang imbestigahan anumang araw ngayon ang kontrobersyal na lider ng isang kulto na si Leonardo Erobas makaraang maiulat na ito ay naaresto kahapon ng lokal na pulisya ng Villadolid, Negros Occidental.

Nabatid sa ulat na naghihintay na lamang ng direktiba kung saan dadalhin si Erobas o pananatilihin ito sa PNP Negros Occidental upang doon gisahin o kailangan pang dalhin ito sa punong tanggapan ng National Bureau of Investigation(NBI) at dito isasagawa ang interogasyon.

Pinaniniwalaan na si Erobas pinuno ng Espedijec Ideology na nagpapalaganap ng prinsipyo ng Global One Man Rule Program 1000 years ay may diperensiya sa pag-iisip.

Iginiit ng Senado na ang patuloy na lumalaking bilang ng mga miyembro nito partikular yaong mga kabataang babae at hinihikayat na makipagtalik sa mga may edad na lalaking miyembro ay isang krimen na kailangang pigilin.

Sinabi pa ni Erobas na nagsabing sinapian siya ng kaluluwa ni dating Sen. Benigno Aquino Jr. na isang Euthopian society ang layunin ng kaniyang kulto, gayunman ay mabilis na nagpalabas ng direktiba sina Sen. Robert Jaworski at Loren Legarda Leviste upang siyasatin ang sex cult na nakabase sa Negros Occidental at dakpin ang lider nito upang papanagutin sa paghihikayat nito sa mga menor de edad na maging miyembro ay makipagniig sa iba pang kasapi nito.

Samantalang iginiit naman ni Sen. Francis Pangilinan na walang sinumang opisyal ang dapat na magsabi na wala sa tamang katinuan si Erobas kundi ang korte at kapag napatunayan na sira nga ang ulo nito ay dapat na ikulong ito sa mental hospital.(Ulat nina Rudy Andal at Gemma Amargo)

BENIGNO AQUINO JR.

EROBAS

ESPEDIJEC IDEOLOGY

FRANCIS PANGILINAN

GEMMA AMARGO

GLOBAL ONE MAN RULE PROGRAM

LEONARDO EROBAS

LOREN LEGARDA LEVISTE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with