^

Probinsiya

4 guro ng MSU laya na

-
Tuluyang pinalaya na ang apat na guro ng Mindanao State University (MSU) ng mga kidnaper matapos ang 13-araw na pakikipagnegosasyon, kamakalawa ng gabi sa Lanao del Sur.

Ibinigay sa pangangalaga ni Lanao del Sur Provincial Security Force chief, Akira Alonto sa Brgy. Bait Maito, Binidayan dakong alas-11 ng gabi ang mga biktimang sina Salvacion Mikkin, 55; Luzvilla Serate-Castillon, 53; Emma Manzano Cara-an, 43; at Editha Bontilao, 50, pawang residente ng Iligan City.

Agad namang tumakas ang mga kidnaper sa pangunguna ni Ernesto Buog, dating miyembro ng security group ng MSU na nadismis sa trabaho.

Nagtungo naman sa naturang lalawigan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Armed Forces of the Phils. (AFP) Chief of Staff General Benjamin Defensor at Philippine National Police chief, Director General Hermogenes Ebdane upang sunduin ang mga guro.

Sinabi ni Ebdane at Defensor na kusang isinuko ng mga kidnaper ang mga guro dahil sa pressure ng mga militar sa paghahanap sa kanila at sa takot na masawi sa magaganap na enkuwentro.

"Alam nila na malapit na silang matagpuan ng militar at pulis kaya mas pinili na lamang nilang palayain ang mga biktima," ani Defensor.

Nabatid na nakipagnegosasyon din sina Gov. Mamintal Adiong at Mayor Sailtari Ali sa mga kidnaper bago pinalaya ang apat nang wala umanong ransom na ibinibigay.

Hinihinala naman ng pulisya na posibleng paghihiganti ang naging motibo ng pagdukot dahil sa aksyon ng MSU sa pagpapasibak kay Buog.

Matatandaan na unang mapagbintangan ang Pentagon KFR sa pandurukot sa apat na guro noong Setyembre 13. (Ulat nina Danilo Garcia at Ely Saludar)

vuukle comment

AKIRA ALONTO

ARMED FORCES OF THE PHILS

BAIT MAITO

CHIEF OF STAFF GENERAL BENJAMIN DEFENSOR

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

EDITHA BONTILAO

ELY SALUDAR

EMMA MANZANO CARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with