Totoy nadedo sa bakod na may kuryente

CAMP OLIVAS, Pampanga – Malakas na boltahe ng kuryente ang tumapos sa buhay ng isang 12-anyos na grade 3 pupil makaraang matapakan ng biktima ang linya ng kuryente na inilagay sa bakuran ng isang negosyante sa Brgy. Ipag, Mariveles, Bataan noong Biyernes ng umaga.

Bandang alas-8 ng umaga nang matagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng biktimang si Manny E. Baltazar ng nabanggit na barangay, samantala, sasampahan naman ng kaukulang kaso ang may-ari ng bakurang si Rodrigo Palazo ng Purok 6 ng naturang lugar dahil sa hindi paglalagay ng babala na may kuryente sa kanyang bakod. (Ulat ni Erickson Lovino)

Show comments