Aussie at asawang Pinay minasaker
September 17, 2002 | 12:00am
LEGAZPI CITY Isang retiradong pilotong Australiano at asawa nitong Pinay ang pinahirapan muna bago pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan sa tinutuluyang gusali ng mag-asawa sa Brgy. Bonot sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Ang bangkay ng mag-asawang natagpuan ng kanilang kapitbahay ay nakilalang sina Agustus Khule, 79, at Corazon Khule, 63, na kapwa residente ng #302 Kyama Bldg. Peñaranda Ext. ng nabanggit na barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naitala ang pagkakadiskubre sa bangkay ng mag-asawa bandang alas-10:30 ng gabi.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na walang anumang gamit sa bahay ang nawawala at walang palatandaang sinira ang pintuan sa harap at likurang bahagi ng bahay at pinalalagay na kakilala ng mag-asawa ang mga killer.
May palatandaan ding pinahirapan muna ang mag-asawa saka isinagawa ang krimen.
Nabatid pa sa impormasyong nakalap ng pulisya na pinaplanong ibenta ng mag-asawa ang naturang gusali bago tumulak at permanenteng manirahan sa Australia.
Sa kasalukuyan ay nahihirapan ang mga imbestigador na makilala ang mga killer dahil sa walang nakasaksi sa naganap na krimen. (Ed Casulla at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest