Sinabi ni Major General Rodolfo Garcia, Armed Forces Northern Luzon commander na masyadong seryoso ang alegasyon laban sa mga lokal na opisyal at kailangang kumpirmahin niya ang kredibilidad ng ulat.
Magugunitang si Herando Maupan, alyas Ka Daniel, isang rebeldeng New Peoples Army (NPA) ay nadakip ng tropa ng militar sa Carrangalan noong Agosto 23, 2002.
Ayon sa ulat, ikinanta ni Maupan na sina Nueva Ecija Rep. Eleuterio Violago at Carrangalan Mayor Luvimindo Otic ang nagbibigay ng mga armas sa mga rebelde at idinawit din nito si Vice Mayor Alfredo Castillo ng Alfonso Castaneda ng Nueva Vizcaya na nagbibigay ng tatlong kabang bigas sa mga rebelde kada buwan.
Idinagdag naman ni Garcia na wala pa siyang natatanggap na ulat hinggil sa akusasyon at unfair sa mga inakusahan kung paniniwalaan kaagad.
Hindi naman makontak sina Violago, Otic at Castillo upang ibigay ang kanilang panig tungkol sa ginawang pag-anim ni Maupan. (Ulat ni Ding Cervantes)