^

Probinsiya

Lokal opisyal ikinantang suporter ng NPA?

-
SAN FERNANDO CITY Pampanga – Inakusahan kahapon ng isang nadakip na kasapi ng makakaliwang kilusan na isang kongresista, mayor at vice mayor sa lalawigan ng Nueva Ecija at Nueva Vizcaya, ang nagsu-supply sa kanilang grupo ng malalakas na kalibre ng baril at iba pang pangangailangan.

Sinabi ni Major General Rodolfo Garcia, Armed Forces Northern Luzon commander na masyadong seryoso ang alegasyon laban sa mga lokal na opisyal at kailangang kumpirmahin niya ang kredibilidad ng ulat.

Magugunitang si Herando Maupan, alyas Ka Daniel, isang rebeldeng New People’s Army (NPA) ay nadakip ng tropa ng militar sa Carrangalan noong Agosto 23, 2002.

Ayon sa ulat, ikinanta ni Maupan na sina Nueva Ecija Rep. Eleuterio Violago at Carrangalan Mayor Luvimindo Otic ang nagbibigay ng mga armas sa mga rebelde at idinawit din nito si Vice Mayor Alfredo Castillo ng Alfonso Castaneda ng Nueva Vizcaya na nagbibigay ng tatlong kabang bigas sa mga rebelde kada buwan.

Idinagdag naman ni Garcia na wala pa siyang natatanggap na ulat hinggil sa akusasyon at unfair sa mga inakusahan kung paniniwalaan kaagad.

Hindi naman makontak sina Violago, Otic at Castillo upang ibigay ang kanilang panig tungkol sa ginawang pag-anim ni Maupan. (Ulat ni Ding Cervantes)

ALFONSO CASTANEDA

ARMED FORCES NORTHERN LUZON

CARRANGALAN MAYOR LUVIMINDO OTIC

DING CERVANTES

ELEUTERIO VIOLAGO

HERANDO MAUPAN

KA DANIEL

MAJOR GENERAL RODOLFO GARCIA

MAUPAN

NEW PEOPLE

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with