P.7M kargamento hinayjack
September 6, 2002 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Tinatayang aabot sa halagang P.7-milyong kargamentong lulan ng ten-wheeler truck ang kumpirmadong hinayjak ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Sitio Tabane, Brgy. Aguso, Tarlac City noong Miyerkules.
Sa ulat ni P/Sr. Supt. Mario Sandiego, Tarlac PNP provincial director, pumarada ang cargo truck (WPC-472) na minamaneho ni Conrado Niro sa gilid ng naturang highway upang jumingle ang isa sa mga helper.
Habang naghihintay ang mga biktima sa truck na may lulang mga kahon ng posporo at katol na patungo sana sa San Fernando, La Union ay may pumaradang L300 Van na walang plaka sa likurang bahagi ng kanilang sasakyan.
Ayon pa sa ulat, kaagad na tinutukan ng baril ang mga biktima at isa sa mga hijaker ang nagmaneho bago ibinaba ang mga bikitma pagsapit sa Brgy. Estipona, Pura, Tarlac City.
Napag-alaman pa sa pagsisiyasat na ang mga kargamento ay nakarehistro kay Lilia Macam ng San Fernando, La Union. (Ulat ni Ric Sapnu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended