^

Probinsiya

Pabrika ng mga pekeng VCD sinalakay

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Umaabot sa halagang P70-milyon duplicating machines at mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga pekeng video compact dics (VCDs) ang kinumpiska ng pinagsanib na puwersa ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), Videogram Regulatory Board (VRB) at Bulacan PNP Command sa isinagawang raid kamakalawa ng hapon sa pabrika sa Brgy. Tabe, Guiguinto, Bulacan.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Guiguinto Regional Trial Court Judge Teresita Baldos-Diaz ng Branch 79, sinalakay ng mga awtoridad ang RIS Industrial Complex bandang alas-3 ng hapon.

Nakuhang makatakas ng mga trabahador at may-aring si Joeffrey Aranda, ng 485 Banawe Avenue, Quezon City dahil sa mga lihim na camera na nakakabit sa paligid ng pabrika.

Ang mga camera ay nagsisilbing mata sa labas ng pabrika kapag may pagbabalak na sumalakay na mga awtoridad upang dagliang makatakas ang mga nasa loob.

Walang nadakip na trabahador maliban sa mga nakumpiskang 2 injection moulding liners, vacuum mixer machine, high power generator, duplicating machine at mga materyales na ginagamit sa pamemeke ng video compact dics (VCDs).

Magugunitang ni-raid na rin ng mga awtoridad ang Sterling Industrial Complex sa Brgy. Iba, Meycauayan, Bulacan na aabot sa halagang P1-bilyon duplicating machine at mga materyales ang nakumpiska at nagresulta rin sa pagkakadakip ng 12 dayuhang trabahador. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BANAWE AVENUE

BRGY

BULACAN

EFREN ALCANTARA

GUIGUINTO REGIONAL TRIAL COURT JUDGE TERESITA BALDOS-DIAZ

INDUSTRIAL COMPLEX

JOEFFREY ARANDA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

STERLING INDUSTRIAL COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with