Lolo nag-suicide dahil sa hika

SARIAYA, Quezon – Matinding sakit sa hika na hindi nakayanan kaya nagdesisyong mag-suicide sa pamamagitan ng pagbibigti sa puno ng mangga ang isang 70-anyos na lolo sa Barangay Gibanga sa bayang ito kahapon ng umaga.

Ang biktimang si Cesar Valdoria, may asawa ay natagpuan ni Rogelio Valde na nakabitin sa punong mangga bandang alas-10 ng umaga.

Sa nakalap na impormasyon ni P/Supt. Mario Barbacena, hepe ng pulisya sa bayan na bago pa naganap ang suicide ay idinadaing na nito sa mga kaanak na hindi na makayanan ang sakit na hika kaya nagpasyang magbigti. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments