Jailbreak: 17 preso pumuga
September 3, 2002 | 12:00am
DAVAO CITY Labimpitong preso ang iniulat na pumuga mula sa Tagum City Jail sa Brgy. Canucutan, Davao del Norte makaraang wasakin ang pintuang bakal at paluin ng tubo sa ulo ang guwardiya noong Linggo ng tanghali.
Tatlong oras matapos maisagawa ang jailbreak ay apat na preso naman ang nadakip sa kalapit barangay na nakilalang sina Armando Calanday, Joel Taquio at mag-utol na Ludivico at Rolando Orsal na may kasong pagnanakaw with homicide at ang naunang dalawa ay may kasong droga.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang pagpuga dakong alas-12:30 ng tanghali makaraang wasakin ang rehas na pintuang bakal bago pinukpok ang jail guard na nakabantay.
Ang apat na preso ay nadakip matapos mamataan ng mga residente na may kahina-hinalang kilos at pagala-gala sa kalapit barangay.
Nabatid pa na ang jail facility ay maaari lamang okupahan ng 80 preso ngunit umaabot sa 200 ang nakakulong.
Pinagpapaliwanag naman ng BJMP officials ang warden ng city jail kung papaano nakatakas at nawasak ang pintuang bakal. (Ulat ni Edith Regalado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest